"Ang kailangan po talaga sa buong bansa ay.. handa po tayo sa mga moderate o maliliit na scale ng hazard o disaster. Isa sa adbokasiya ko ay maging handa ang Pilipinas sa extreme o large disasters. Ang tawag nga ng iba ay mega disasters, iyong Odette for example, Yolanda, malalakas na lindol, malalakas na pagsabog.

Kasi hindi lang po lokal ang dapat gumanap ng katungkulan, pati rin sa National level. Kasi hindi makakaya ng local government iyong pagpaplano, paghahanda at pagresponde sa mga large scale o extreme disasters. "

Gaano nga ba kahanda ang Pilipinas sa mega disasters tulad ng lindol at bagyo?

Iyan at iba pang isyu ukol sa disaster preparedness, ipaliliwanag ni DOST Sec. Renato Solidum, Jr. sa The Mangahas Interviews.